Bihirang Maisulat ang Kaligayahan
ni Rebecca T. Añonuevo
Totoong mahirap isulat ang kaligayahan.Hindi ko alam kung paano iyon huhulihin,At ano ang ihahandog pinakatamang lalagyan.May mga sandaling tulad nito na nakasalansanNang kusa at tugmang-tugma; dugtong-dugtongAng galaw ng mga tagpong karaniwanNa parang paghinga ng nakahimlay na anghel sa kumotNa duyan, parang pinung ulo ng kristal na tumatanggapNg lakas sa halaman, parang sinindihang kandilangNakapulupot ang samyo sa hitik ng dilaw at lila sa plorera.Magkaiba ang labis na lungkot at labis na kaligayahanMay simbahan ang labis na lungkot at doo’y maaringLumuhod, tumwag ng saklolo, pulutin ang pira-pirasongNatitira sa sarili, hugasan sa bendita ang mga pilat.Ang labis na kaligayahan ay walang isang tahanan.Nakasaboy iyon sa lahat ng dako at bumabatiNg balu-balumbong pagyakap kapag nabalingan.Hindi ko alam kung paano nagsimula ang isang arawNa dumalaw ako sa isang dating sinisintang tagpuanAt nagkasyang titigan ang magkakapatong ng mga batongLumilikha ng isang loobna, hindi ako nabagabagNa sa isang iglap ay maaaring gumuho ang kaligayahanTulad ng mga bato kung panahon ng isang di inaasahang lindolNanganak ang kaligayahan, dumaan at nagpatuloy,Manaka-naka’y nagtatago, sumabay sa aking paglakad,At nakaupo na ako’y nakatayo paring nagbabantay.Ito marahil ang kaligayahang itinalinghaga ng isang makata.Bihira mang masulat ay may anibersaryong nag-aanyayaNg tagay – tulad ng sambit ng pag-ibig na dati na at lagi:Ito ang kaligayahang ang kaligayaha’y mapilas at maibahagi.